APEC Homes Office Directory

Kasabay ng mithiin ng APEC Homes na makapagbigay ng serbisyo sa ating kapwa Pilipino ay ang patuloy na pagtatayo ng mga subdivisions sa iba’t ibang parte ng Luzon. Gaya din ng inaasahan, ang paglago ng APEC Homes family ay nangangahulugan na mas madami pang buyers ang nararapat paunlakan sa ating mga opisina.

Hindi na kailangan pumunta sa Head Office dahil mayroon tayong support offices kung saan pwedeng mag-inquire, mag-reserve ng unit, mag-submit ng mga required documents pati na rin ang pagbabayad ng monthly equity o ibang fees.

Narito ang kumpletong APEC Homes Office Directory.

OFFICE HOURS:Monday – Saturday : 9:30AM – 4:00PMSunday: 9:00am – 3:00PM

NORTH OFFICES:

EDSA – 2/F Unit 201-202, Panorama Techno Center, #1029 EDSA, Brgy. Veterans Village, Quezon City

PAMPANGA – 2/F Orotel Building, City of San Fernando, Pampanga (in front of SM Pampanga)

TARLAC – Sicangco Building, McArthur Highway, Brgy. San Rafael, Tarlac City

BALIWAG – 3/F Violago Plaza, Brgy. Pagala, Baliwag, Bulacan (in front of SM Baliwag)

SOUTH OFFICES:

LAGUNA – 2/F Centro Mall , Brgy. Pulo, Cabuyao, Laguna

BATANGAS – 2/F Monolith Store Ayala Highway, Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas

Para sa ibang katanungan o concerns, maaari din itong iparating sa ating official social media account.OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNT: @ApecHomesOfficialPage

Ito ang mga kasalukuyang tanggapan ng APEC Homes. Abangan ang mga bagong bubuksan pang opisina sa patuloy na pag dayo ng APEC Homes sa iba pang lugar sa Pilipinas bilang pagtupad sa objective na makapag tayo ng abot-kaya at de-kalidad na bahay para sa mga masisipag na Pilipino.

PAYMENT CHANNELS FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

PAYMENT CHANNELS FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

1. BAKIT HINDI UPDATED ANG ACCOUNT BALANCE KO?

Naiintindihan naming nakakabahala ito kaya narito ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi updated ang ating account balance.

Over-The-Counter Ang posting ng OTC payments ay sa next banking day pa. Ibig sabihin, kung nagbayad tayo ng Friday, Monday pa ang posting nito dahil ito ang susunod na banking day. Maliban na lamang kung may special / non-working holidays pa sa pagitan, nangangahulugang mas tatagal pa ang posting nito.

Walang RA No. sa payment slip Maaaring maging dahilan kung bakit hindi maipost ng APEC Homes ang ating payment at hindi updated ang ating account balance ay ang posibleng pagkalimot sa ating Reservation Agreement Number o RA No.

Ano ang RA No at paano ito malalaman? Visit link: https://www.facebook.com/ApecHomesOfficialPage/photos/a.1496715863988184/2868567080136382/

2. BAKIT MATAGAL MAKATANGGAP NG OTP?

Please check the signal in your area. Posibleng dahilan po ng matagal na OTP ang mahinang signal sa ating area. Siguraduhin din po na tama ang digits ng ating mobile number. Magsimula sa “9” dahil nakalagay na po ang +63 sa system.

3. POSTING OF PAYMENTS MADE THROUGH PAYMENT CHANNELS

Please allow 2-5 days bago mag reflect ang ating payments made through our payment channels.

4. WEBSITE ERROR

Please check po our internet connection dahil posibleng dahilan po ito ng website error. Ang isa pang posibleng dahilan naman ay system update o maintenance pero nagaannounce po ang kumpanya sa mga instances na ganito.

5. REQUEST FOR UPDATED SOA

Maaari po kami mag provide ng SOA but please take note din po na 2-5 days bago mag reflect ang ating payments made through our payment channels at 3-5 days naman po for Bank OTC.

 

 

Know Your R.A. Number

ANO ANG RESERVATION NUMBER?

Ang Reservation Number o kadalasang tinatawag na R.A. No. ay ang unique code para sa bawat unit o account ng isang APEC Homes buyer. Combination ito ng pangalan ng project kung nasaan ang unit, taon kung kailan ito nai-reserve, at control number.

Ready ka na magbayad online pero hindi matandaan ang Reservation Agreement Number? Narito ang ilang paraan para malaman ang ating R.A. No. Importante na alam natin ang R.A. No lalo na tuwing magbabayad upang maiwasan ang floating payments, agarang mai-post ang ating payments, at mapanatiling updated ang ating account.

 

KNOW YOUR R.A. NUMBER

Phone Call
Tumawag sa ating CSR Hotline na 0925-714-4866. Ihanda lamang ang ating buyer’s details tulad ng Buyer’s Name, Project, Block & Lot No.

Facebook
Mag-chat sa ating official Facebook Page at ibigay ang ating buyer’s details
Buyer’s Name
Project
Block & Lot Number

EMAIL
Mag-email sa inquire@apechomes.com at ilagay ang “Request for RA No.” sa subject line at ang mga sumusunod na buyer’s details sa laman ng email:
Buyer’s Name
Project
Block & Lot Number

Maraming salamat po.

Top 2 Best Developer Award ng Pag-IBIG Fund Iginawad sa APEC Homes

Muling pinarangalan ng natatanging pagkilala ang APEC Homes at affiliates company nito sa idinaos na Stakeholders’ Accomplishment Report(StAR) ng Pag-IBIG Fund.

Sa ginanap na okasyon noong Agosto 27, 2019 sa Makati City, iginawad sa APEC Homes ang ikalawang pinakamataas na parangal sa mga best-performing developers sa Kalakhang Maynila (NCR) para sa unang anim na buwan ng 2019.

Ang naturang programa ay dinaluhan din ng mga top-performing employers sa NCR.

Binigyang papuri naman ni Mr. Acmad Rizaldy P. Moti, Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund, ang kontribusyon ng mga developers sa NCR para makuha ang all-time high na P37.07 billion housing loans na syang makakatulong sa 41,797 members miyembro nito na magkaroon ng sariling tahanan.

“The Pag-IBIG StAR allows us to recognize the efforts of our stakeholders and also gives us the opportunity to update them of what we have accomplished during the first half of this year,” ayon pa kay Moti.

Pay & Waive Promo

PAY & WAIVE PROMO MECHANICS:

Ang Pay & Waive Promo ay para sa ating mga buyers na nagbabayad ng equity na may mga unpaid dues including interest & penalty

Bayaran ng kumpleto ang inyong unpaid dues at waived na ang inyong interest & penalty

Ang promo na ito ay valid lamang sa mga magbabayad ng over-the-counter sa ating head office sa CENTROMALL CABUYAO – 2nd floor Centomall, Brgy Pulo, Cabuyo Laguna.

Pansamantala din na tatanggap ng inyong mga bayad sa APEC Homes support offices sa mga address na ito.

• PANORAMA EDSA – 2/F Unit 201-202, Panorama Techno Center, #1029 EDSA, Brgy. Veterans Village, Quezon City

• LIPA, BATANGAS – 2/F Monolith Store, Ayala Highway, Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas

• PAMPANGA – 2/F Orotel Building, San Fernando, Pampanga (In front of SM Pampanga)

• TARLAC – Sicangco Bldg., McArthur Hughway, Brgy. San Rafael, Tarlac City

Pagdating sa ating mga APEC Homes Offices, banggitin lamang ang Pay & Waive Promo para matulungan ng ating mga Accounts Representatives

Promo duration: February 1 to 28, 2021 only

 

CONGRATULATIONS MGA KA-APEC!

CONGRATULATIONS MGA KA-APEC!

Muli na namang nakatanggap ng parangal ang APEC Homes mula sa Pag-IBIG Fund.  Naganap ang awarding sa katatapos na Pag-IBIG Fund Chairman’s Report noong February 7, 2020 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.  Dinaluhan ito ng iba’t-ibang developers mula sa buong bansa.

Para sa taong 2019, tatlong mahahalagang parangal ang iginawad sa APEC Homes.  Dalawa dito ay ang Highest Performing Loans Ratio Special Award at Highest Performing Accounts Ratio Awards.

 

Inuwi din ng APEC Homes ang Top 2 Developer Award para sa may pinakamalaking loan take out value sa 2019. Patunay ito ng pagiging consistent top developer ng APEC Homes sa napakaraming taon.

Ang mga parangal na ito ay hindi makakamit ng APEC Homes kung hindi dahil sa pagtitiwala na ibinibigay ng mga partner at customers nito.  Magsisilbi itong inspirasyon para patuloy na mag lingkod sa lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng pagtatayo ng abot kaya at dekalidad na bahay.

Maraming Salamat Po!

APEC Homes All Set For 2020!

Noong October 7 to 9, 2019 ay naganap ang annual company planning ng APEC Homes sa Thunderbird Resort sa Binangonan, Rizal. Dinaluhan ito ng mga heads at planning representatives ng iba’t-ibang department ng company kung saan sa loob ng 3 araw ay ibinalangkas at inilahad sa lahat ng participants ang magiging improvement plans nila para sa taong 2020 na ilang buwan na lang ay sasalubungin na natin.

Ang mga department plans ay naka base sa VISION2020 road map ng APEC Homes para sa taong 2020. Naka focus ito sa 4 main goals: Unit Sold, Unit Constructed, Land Development at Take Out (Pag-IBIG loan proceeds). Maliban sa 4 na goals na ito ay kinonsidera din na isama sa mga plano kung paano pa magiging efficient ang mga systems at processes ng kumpanya, gayundin ang pagiging cost efficient natin sa paggamit ng mga company resources.

Maliban sa planning sessions ay nagkaroon din ng teambuilding activity na pinasinayaan ni Mr. Igo Soncuya ng Torch Management Consultancy. Iba’t-ibang challenging activities ang ihihanda para sa mga APEC Homes heads and planning representatives kung saan upang malagpasan ang mga ito ay kailangan na nagkakaisa at may “teamwork”. Ito ang itinuro ng mga challenges na ipinagawa sa mga participants na makakatulong para palakasin ang #teamapec spirit.

Sa mga epektibong mga plano at matatag na samahan na, handa na ang APEC Homes na maikasatuparan ang goals ng VISION 2020 road map nito!

APEC Homes Launches New Program for Teens

Daig ng maagap ang masipag. Isa sa mga gasgas ng kasabihan na paulit-ulit nating naririnig nung ating kabataan. Ngunit kahit gasgas na nanatili pa din itong may kabuluhan lalong lalo na kapag ang kinabukasan na natin ang pinag-uusapan. It is always good to plan your future ahead. Kaya naman ang APEC Homes ay nagsagawa ng isang programang makakatulong sa ating kabataan na pagplanuhan ang kanilang kinabukasan ng mas maaga. Ang Teen APEC ay isininagawa noong May 23, 2019 Huwebes kung saan nagkaroon ng 23 participants na may edad 16-19 years old.

Ang programang Teen APEC ay binubuo ng mga diskusyon na makakatulong sa ating mga teens na paghandaan ang kanilang future careers at magkaroon sila ng mas malalim na pagkakaintindi sa employment world. Nagkaroon ito ng talk patungkol sa life goals at lecture naman tungkol sa multiple intelligence at iba’t-ibang skills upang mas makilala ng ating mga teens ang kanilang mga sarili at malaman kung saan nga ba sila magaling. Tinalakay din ang mga posibleng career paths na puwedeng tahakin ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan. Nagbigay din ng mga tips kung paano mas magmukhang employable at kung paano magkaroon ng isang successful career. Binigyan din ang mga teens ng pagkakataong makapagtour sa iba’t-ibang departamento upang makita nila kung ano nga ba ang ginagawa ng mga empleyado ng APEC.

 

Paano nga ba nagsimula ang programang ito? Ang Teen APEC ay nabuo dahil sa mag-titang chikahan sa pagitan ng ating HR staff at ng kanyang pamangkin. Tinanong ni Miss Bourne ang kanyang pamangkin kung anong gustong career path ang gustong tahakin. Ngunit hindi ito sigurado sa kanyang sagot. At dahil dito, napagisipang bumuo ng isang programang layuning tumulong sa kabataan na paghandaan ang kanilang kinabukasan.

“Maraming aral ang napulot namin sa activities na naganap sa Teen APEC. Tinuruan kami kung paano planuhin ang aming mga life goals at kung paano magkaroon ng successful life. Tinuruan din kami kung ano ang dapat kuhain na course sa college na naka based sa sariling kagustuhan at kung saan kami nag eexcel. Pinarealize ng mga activities sa amin ang reality kapag magkacollege at magtatrabaho na …” Ilan ito sa mga binitiwang mensahe ng isang Teen APEC na si Clara Jaine Arguelles 17 years old.

Pagkatapos ng programang ito, hangad ng APEC Homes na magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang ating mga teens dahil napaghandaan nila ito ng mas maaga. Mainam na mas maagang pagplanuhan ang kinabukasan upang mabigyang direksyon ang buhay ng mga kabataan.

Register your account now at homeowners.apechomes.com

Register your account now at homeowners.apechomes.com.

Sa mas pinagandang HOMEOWNERS ONLINE maaari ng makita ang mga sumusunod:

Payment Details

Payment Schedule

Payment Channels

Buyer’s Profile

Project Details

Helpdesk

Handog ng APEC Homes ang website na ito para sa safety at convenience ng bawat isa.

Maraming salamat po!

 

Mga Sales Offices ng APEC Homes

Sa patuloy na paglago ng APEC Homes, nagbubukas din tayo ng mga subdivisions sa mga iba’t-ibang lugar sa Luzon. Ang mga dating Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite ay nadagdagan na ng Pampanga, Tarlac at Batangas. Dahil dito ay nangailangan din na mag bukas ng mga karagdagang opisina o “Sales Offices” upang maserbisyuhan pa namin ang mas nakararaming masisipag na Pilipino na nais magkaroon ng sariling bahay. Ano-ano ang mga Sales Offices na ito at saan matatagpuan?


APEC Homes New Office in Panorama Techno Center

NORTH SALES OFFICES

Panorama (dating North EDSA) Sale Office
Address: 2/F 201-202, Panorama Techno Center,
1029 EDSA, Brgy. Veterans Village, Quezon City.

Mula sa dating location sa North EDSA, lumipat ang operasyon nito sa Muñoz na ilang hakbang lang sa LRT Roosevelt Station. Sineserbisyuhan nito ang mga buyers para sa mga Rizal at Bulacan projects ng APEC Homes.

Tarlac Sales Office
Address: Uptown Village, Brgy. Sapang Maragul, Tarlac City, Tarlac

Ang unang sales office ng APEC Homes sa Tarlac. Hindi na kailangan pumunta pa sa Manila upang makapagpareserve ng bahay sa Uptown Village at Liberty Homes dahil dito mismo ay pwede na.

Pampanga Sales Office
Address: 2/F Orotel Bldg., Jose Abad Santos Ave., San Fernando Pampanga

Para sa dumaraming APEC Homes projects sa Pamapanga, nararapat lang na magkaroon ng sales office sa probinsyang ito upang mas mapalapit sa mga taga-Pampanga ang reservation.

Baliwag Sales Office
Address: 3/F Violago Plaza Bldg, Brgy. Pagala, Baliwag, Bulacan

Para sa mga nais kumuha ng bahay sa Villa Marcela sa San Rafael, Bulacan, punta na po sa Baliwag Sales Office.

SOUTH SALES OFFICES

Laguna Sales Office
Address: 2/F CentroMall Cabuyao, Brgy. Pulo, Cabuyao, Laguna.

Ang pinaka-unang sales office ng APEC Homes kung saan binibigyang serbisyo ang mga buyers na nais kumuha ng bahay sa Laguna, Imus at Kawit sa Cavite at Sto. Tomas sa Batangas.

Lipa Sales Office
Address: 2nd floor Monolith Bldg, Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas.

Sa mga nais kumuha ng bahay ng APEC Homes sa Lipa at Tanauan, Batangas, dito sa Lipa Sales Office maaaring magpareserve ng bahay.

Paragon Village Sales Office
Address: Paragon Village, Brgy. San Agustin, Trece Martires, Cavite

Hindi na kailangan pang lumayo sa Paragon Village ang mga buyers na binisita ang mga model units dahil may nakalaan dito na sales office para kayo ay makapagreserve ng bahay.

Casa Isabel Sales Office
Address: Casa Isabel, Brgy. San Isidro Norte, Sto. Tomas, Batangas

May sarili ding sales office ang Casa Isabel at hindi na kailangan pang lumayo upang makapagpareserve agad ng bahay.

Ito ang mga kasalukuyang Sales Offices ng Apec Homes. Abangan ang mga bagong bubuksan pang opisina sa patuloy na pagdayo ng APEC Homes sa iba pang lugar sa Pilipinas bilang pagtupad sa objective na makapag tayo ng abot-kaya at de-kalidad na bahay para sa mga masisipag na Pilipino.

Ang mga APEC Homes Sale Offices ay bukas sa lahat ng buyers sa mga sumusunod na araw at oras:

Lunes hanggang Biyernes, 9:00AM – 4:30PM
Tuwing Linggo, 9:00AM – 3:00PM

s