Mga Sales Offices ng APEC Homes

Sa patuloy na paglago ng APEC Homes, nagbubukas din tayo ng mga subdivisions sa mga iba’t-ibang lugar sa Luzon. Ang mga dating Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite ay nadagdagan na ng Pampanga, Tarlac at Batangas. Dahil dito ay nangailangan din na mag bukas ng mga karagdagang opisina o “Sales Offices” upang maserbisyuhan pa namin ang mas nakararaming masisipag na Pilipino na nais magkaroon ng sariling bahay. Ano-ano ang mga Sales Offices na ito at saan matatagpuan?


APEC Homes New Office in Panorama Techno Center

NORTH SALES OFFICES

Panorama (dating North EDSA) Sale Office
Address: 2/F 201-202, Panorama Techno Center,
1029 EDSA, Brgy. Veterans Village, Quezon City.

Mula sa dating location sa North EDSA, lumipat ang operasyon nito sa Muñoz na ilang hakbang lang sa LRT Roosevelt Station. Sineserbisyuhan nito ang mga buyers para sa mga Rizal at Bulacan projects ng APEC Homes.

Tarlac Sales Office
Address: Uptown Village, Brgy. Sapang Maragul, Tarlac City, Tarlac

Ang unang sales office ng APEC Homes sa Tarlac. Hindi na kailangan pumunta pa sa Manila upang makapagpareserve ng bahay sa Uptown Village at Liberty Homes dahil dito mismo ay pwede na.

Pampanga Sales Office
Address: 2/F Orotel Bldg., Jose Abad Santos Ave., San Fernando Pampanga

Para sa dumaraming APEC Homes projects sa Pamapanga, nararapat lang na magkaroon ng sales office sa probinsyang ito upang mas mapalapit sa mga taga-Pampanga ang reservation.

Baliwag Sales Office
Address: 3/F Violago Plaza Bldg, Brgy. Pagala, Baliwag, Bulacan

Para sa mga nais kumuha ng bahay sa Villa Marcela sa San Rafael, Bulacan, punta na po sa Baliwag Sales Office.

SOUTH SALES OFFICES

Laguna Sales Office
Address: 2/F CentroMall Cabuyao, Brgy. Pulo, Cabuyao, Laguna.

Ang pinaka-unang sales office ng APEC Homes kung saan binibigyang serbisyo ang mga buyers na nais kumuha ng bahay sa Laguna, Imus at Kawit sa Cavite at Sto. Tomas sa Batangas.

Lipa Sales Office
Address: 2nd floor Monolith Bldg, Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas.

Sa mga nais kumuha ng bahay ng APEC Homes sa Lipa at Tanauan, Batangas, dito sa Lipa Sales Office maaaring magpareserve ng bahay.

Paragon Village Sales Office
Address: Paragon Village, Brgy. San Agustin, Trece Martires, Cavite

Hindi na kailangan pang lumayo sa Paragon Village ang mga buyers na binisita ang mga model units dahil may nakalaan dito na sales office para kayo ay makapagreserve ng bahay.

Casa Isabel Sales Office
Address: Casa Isabel, Brgy. San Isidro Norte, Sto. Tomas, Batangas

May sarili ding sales office ang Casa Isabel at hindi na kailangan pang lumayo upang makapagpareserve agad ng bahay.

Ito ang mga kasalukuyang Sales Offices ng Apec Homes. Abangan ang mga bagong bubuksan pang opisina sa patuloy na pagdayo ng APEC Homes sa iba pang lugar sa Pilipinas bilang pagtupad sa objective na makapag tayo ng abot-kaya at de-kalidad na bahay para sa mga masisipag na Pilipino.

Ang mga APEC Homes Sale Offices ay bukas sa lahat ng buyers sa mga sumusunod na araw at oras:

Lunes hanggang Biyernes, 9:00AM – 4:30PM
Tuwing Linggo, 9:00AM – 3:00PM

APEC Homes Launches New Program for Teens

Daig ng maagap ang masipag. Isa sa mga gasgas ng kasabihan na paulit-ulit nating naririnig nung ating kabataan. Ngunit kahit gasgas na nanatili pa din itong may kabuluhan lalong lalo na kapag ang kinabukasan na natin ang pinag-uusapan. It is always good to plan your future ahead. Kaya naman ang APEC Homes ay nagsagawa ng isang programang makakatulong sa ating kabataan na pagplanuhan ang kanilang kinabukasan ng mas maaga. Ang Teen APEC ay isininagawa noong May 23, 2019 Huwebes kung saan nagkaroon ng 23 participants na may edad 16-19 years old.

Ang programang Teen APEC ay binubuo ng mga diskusyon na makakatulong sa ating mga teens na paghandaan ang kanilang future careers at magkaroon sila ng mas malalim na pagkakaintindi sa employment world. Nagkaroon ito ng talk patungkol sa life goals at lecture naman tungkol sa multiple intelligence at iba’t-ibang skills upang mas makilala ng ating mga teens ang kanilang mga sarili at malaman kung saan nga ba sila magaling. Tinalakay din ang mga posibleng career paths na puwedeng tahakin ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan. Nagbigay din ng mga tips kung paano mas magmukhang employable at kung paano magkaroon ng isang successful career. Binigyan din ang mga teens ng pagkakataong makapagtour sa iba’t-ibang departamento upang makita nila kung ano nga ba ang ginagawa ng mga empleyado ng APEC.

 

Paano nga ba nagsimula ang programang ito? Ang Teen APEC ay nabuo dahil sa mag-titang chikahan sa pagitan ng ating HR staff at ng kanyang pamangkin. Tinanong ni Miss Bourne ang kanyang pamangkin kung anong gustong career path ang gustong tahakin. Ngunit hindi ito sigurado sa kanyang sagot. At dahil dito, napagisipang bumuo ng isang programang layuning tumulong sa kabataan na paghandaan ang kanilang kinabukasan.

“Maraming aral ang napulot namin sa activities na naganap sa Teen APEC. Tinuruan kami kung paano planuhin ang aming mga life goals at kung paano magkaroon ng successful life. Tinuruan din kami kung ano ang dapat kuhain na course sa college na naka based sa sariling kagustuhan at kung saan kami nag eexcel. Pinarealize ng mga activities sa amin ang reality kapag magkacollege at magtatrabaho na …” Ilan ito sa mga binitiwang mensahe ng isang Teen APEC na si Clara Jaine Arguelles 17 years old.

Pagkatapos ng programang ito, hangad ng APEC Homes na magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang ating mga teens dahil napaghandaan nila ito ng mas maaga. Mainam na mas maagang pagplanuhan ang kinabukasan upang mabigyang direksyon ang buhay ng mga kabataan.

APEC Homes All Set For 2020!

Noong October 7 to 9, 2019 ay naganap ang annual company planning ng APEC Homes sa Thunderbird Resort sa Binangonan, Rizal. Dinaluhan ito ng mga heads at planning representatives ng iba’t-ibang department ng company kung saan sa loob ng 3 araw ay ibinalangkas at inilahad sa lahat ng participants ang magiging improvement plans nila para sa taong 2020 na ilang buwan na lang ay sasalubungin na natin.

Ang mga department plans ay naka base sa VISION2020 road map ng APEC Homes para sa taong 2020. Naka focus ito sa 4 main goals: Unit Sold, Unit Constructed, Land Development at Take Out (Pag-IBIG loan proceeds). Maliban sa 4 na goals na ito ay kinonsidera din na isama sa mga plano kung paano pa magiging efficient ang mga systems at processes ng kumpanya, gayundin ang pagiging cost efficient natin sa paggamit ng mga company resources.

Maliban sa planning sessions ay nagkaroon din ng teambuilding activity na pinasinayaan ni Mr. Igo Soncuya ng Torch Management Consultancy. Iba’t-ibang challenging activities ang ihihanda para sa mga APEC Homes heads and planning representatives kung saan upang malagpasan ang mga ito ay kailangan na nagkakaisa at may “teamwork”. Ito ang itinuro ng mga challenges na ipinagawa sa mga participants na makakatulong para palakasin ang #teamapec spirit.

Sa mga epektibong mga plano at matatag na samahan na, handa na ang APEC Homes na maikasatuparan ang goals ng VISION 2020 road map nito!

SALES KICK-OFF SOUTH

Naging makulay at matagumpay ang ginanap na Sales Kickoff kamakailan ng APEC Homes sa ipinagmamalaki nitong prime residential housing project sa Calamba, Laguna – ang Montana Heights subdivision. Ang Montana Heights subdivision ay may lawak na mahigit 18 ektarya, kung saan itatayo ang humigit-kumulang 1,329 housing units. Nabansagang may spectacular location ang Montana Heights dahil nasa sentro ito ng komersyo sa Calamba, Laguna at malapit rin sa mga dinarayong hot spring resorts sa Pansol, Laguna.


South Sellers in Montana Heights Subdivision

Samantala, diinaluhan ng mga masisigasig na katuwang na brokers, agents at marketing team leaders ang simpleng programang inihanda ng APEC Homes, na layong mas paiigtingin pa ang pagbebenta ng magaganda ngunit abot-kayang tahanan para sa masisipag na pamilyang Pilipino. Sa nasabing okasyon, nagkaroon ng mga palaro, recognition at awarding para sa mga dumalong brokers at agents. Naging maganda ang sales performance ng mga katuwang sa hanap-buhay ng APEC Homes sa nakalipas na taon, kaya naman mas magaganda ding incentives ang naghihintay para sa partner brokers at agents nito.

Inaasahan ding mas lalawak pa ang mga lugar na pagtatayuan ng mga pabahay ng APEC Homes sa mga susunod na taon sa southern Luzon.

SALES KICK-OFF NORTH

Matagumpay na idinaos ng APEC Homes ang kauna-unahan nitong Sales Kickoff ngayong taon para pasinayaan ang isa sa mga pinaka-aabangan nitong proyekto – ang Villa Marcela subdivision. May lawak na mahigit 10 ektarya kung saan itatayo ang 1,468 housing units, ang Villa Marcela ay matatagpuan sa Barangay Pinak-pinakan, San Rafael, Bulacan. Sa pamamagitan ng Villa Marcela, tina-target ng APEC Homes na mas palawigin pa ang layunin nitong mabigyan ng maayos na pabahay ang bawat masisipag na pamilyang Pilipino.


Villa Marcela Office with North Sellers

Samantala, ang Sales Kickoff ay dinaluhan naman ng mga katuwang (partner-sellers) ng APEC Homes mula sa mga matatatag na brokerage companies. Buong-pwersa ring dumalo ang Bulacan at Pampanga marketing staff ng APEC Homes sa nasabing okasyon na sinimulan sa pamamagitan ng isang simpleng parada sa Violago Plaza sa tapat ng SM Mall Baliuag, Bulacan.

Pagkatapos ay sinundan ito ng isang simpleng palatuntunan kung saan inilahad ang mga dapat pang abangang proyekto at programa ng APEC Homes ngayong 2019 para sa mga sellers at buyers nito. Layon din ng Sales Kickoff na mas palakasin pa ang sales force ng APEC Homes, partikular ang broker network nito sa Northern Luzon.

s