APEC Homes Launches New Program for Teens

  • Mogs De Jesus
  • June 24, 2019

Daig ng maagap ang masipag. Isa sa mga gasgas ng kasabihan na paulit-ulit nating naririnig nung ating kabataan. Ngunit kahit gasgas na nanatili pa din itong may kabuluhan lalong lalo na kapag ang kinabukasan na natin ang pinag-uusapan. It is always good to plan your future ahead. Kaya naman ang APEC Homes ay nagsagawa ng isang programang makakatulong sa ating kabataan na pagplanuhan ang kanilang kinabukasan ng mas maaga. Ang Teen APEC ay isininagawa noong May 23, 2019 Huwebes kung saan nagkaroon ng 23 participants na may edad 16-19 years old.

Ang programang Teen APEC ay binubuo ng mga diskusyon na makakatulong sa ating mga teens na paghandaan ang kanilang future careers at magkaroon sila ng mas malalim na pagkakaintindi sa employment world. Nagkaroon ito ng talk patungkol sa life goals at lecture naman tungkol sa multiple intelligence at iba’t-ibang skills upang mas makilala ng ating mga teens ang kanilang mga sarili at malaman kung saan nga ba sila magaling. Tinalakay din ang mga posibleng career paths na puwedeng tahakin ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan. Nagbigay din ng mga tips kung paano mas magmukhang employable at kung paano magkaroon ng isang successful career. Binigyan din ang mga teens ng pagkakataong makapagtour sa iba’t-ibang departamento upang makita nila kung ano nga ba ang ginagawa ng mga empleyado ng APEC.

 

Paano nga ba nagsimula ang programang ito? Ang Teen APEC ay nabuo dahil sa mag-titang chikahan sa pagitan ng ating HR staff at ng kanyang pamangkin. Tinanong ni Miss Bourne ang kanyang pamangkin kung anong gustong career path ang gustong tahakin. Ngunit hindi ito sigurado sa kanyang sagot. At dahil dito, napagisipang bumuo ng isang programang layuning tumulong sa kabataan na paghandaan ang kanilang kinabukasan.

“Maraming aral ang napulot namin sa activities na naganap sa Teen APEC. Tinuruan kami kung paano planuhin ang aming mga life goals at kung paano magkaroon ng successful life. Tinuruan din kami kung ano ang dapat kuhain na course sa college na naka based sa sariling kagustuhan at kung saan kami nag eexcel. Pinarealize ng mga activities sa amin ang reality kapag magkacollege at magtatrabaho na …” Ilan ito sa mga binitiwang mensahe ng isang Teen APEC na si Clara Jaine Arguelles 17 years old.

Pagkatapos ng programang ito, hangad ng APEC Homes na magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang ating mga teens dahil napaghandaan nila ito ng mas maaga. Mainam na mas maagang pagplanuhan ang kinabukasan upang mabigyang direksyon ang buhay ng mga kabataan.

s