MAS PINADALING PAGBABAYAD NG MONTHLY AMORTIZATION

  • Don Alejandro
  • April 9, 2020

Sa mga nakalipas na taon, ang mga buyers ng APEC Homes, pati na din the Cumberland Development Corporation at Amanaland Corporation, ay nagbabayad ng kanilang monthly amortization sa Pag-IBIG Counters ng APEC Homes Sales Offices in the form of Post Dated Checks o PDCs. Sa set up na ito, sa loob ng 2 taon ay tinatanggap ng APEC Homes ang amortization ng buyers. Pagkatapos ng 2 taon ay sa mismong Pag-IBIG Fund Office na sila magbabayad para sa mga natitirang taon ng payment terms ng kanilang housing loan.


APEC Homes CentroMall Cabuyao Office

Nitong nakaraang January 2019 ay nag issue ng circular ang Pag-IBIG Fund (Circular No. 422) na may title na Disconnection of the Collection Servicing Agreement with Developers informing lahat na sa mismong Pag-IBIG Fund offices o collecting partners na magbabayad ng amortization para sa housing loan na kanilang kinuha.

Ipinapatupad ng APEC Homes ang nasabing circular. Starting March 4, 2019 ay hindi na requirement para makapag-apply ng occupancy ang 24 pieces ng PDCs bilang bayad sa amortization saloob ng 2 taon. Ngunit, kailangan mag-presenta ng buyer ng resibo na bayad ang amortization ng buyer kapag sila ay nag-apply ng occupancy.

Magandang balita din na mas pinalawak pa ng Pag-IBIG Fund ang number of accredited collection partners kung saan pwede magbayad ang buyers ng kanilang monthly amortization.

With over 1000 outlets nationwide, may malapit na payment centers kung saan pwede na kayo magbayad ng inyong monthly amortization. Mas madali, mas malapit at mas maginhawa para sa inyo.

s