Natural Air Purifiers na Halaman para sa Bahay

  • Don Alejandro
  • January 8, 2019

Masarap umuwi sa ating bahay pagkatapos ang isang nakakapagod na araw sa labas. Gusto natin na ang loob ng bahay natin ay maaliwalas at komportable upang mas ma-relax tayo. Makatutulong ang pagkakaroon ng mga halaman sa loob mismo ng bahay. May mga halaman na maliban sa magandang pang display sa bahay ay may dulot din na benepisyo tulad ng paglilinis ng hangin na ating nilalanghap. Ito ang mga halaman na tinaguriang “natural air purifiers”.

1. Aloe Vera
Mabisa ito para puksain ang formaldehyde na matatagpuan sa ilang cosmetic products, dish detergent, fabric softener at carpet cleaner. Inaalis din nito sa hangin ang benzene na mula naman sa ilang plastic at fabric products, pesticides at usok mula sa sigarilyo.

2. Sansevieria Mikado
Ang halaman na ito absorbs more than a hundred air pollutants kasama na ang nitrogen monoxide at carbon monoxide.

3. Snake Plant
Bagay ito ilagay sa bathroom dahil kaya nito i-filter ang formaldehyde mula sa toilet papers, paper towels at iba pang personal care products.

4. Photos
Para sa may mga sasakyan, mabisa ito para i-filter ang usok na puno din ng formaldehyde. Recommended ito na nakasabit at malayo sa reach ng mga bata o alagang hayop dahil nakakapinsala ito sa kalusugan kapag na kain.

5. Boston Plant (Pako)
Maliban sa pagiging air purifier ay isa din itong mabisang air humidifier. Kaya din nito mag filter ng formaldehyde mula sa hangin.

6. English Ivy
Kung ikaw ay may allergies o asthma, maglagay sa loob ng bahay ng halaman na ito. Inaalis nito sa hangin ang mga carcinogens mula sa usok ng sigarilyo at pesticides.

7. Spider Plant
Kaya naman ng halaman na ito na i-absorb ang xylene, isang uri ng solvent na ginagamit sa leather, rubber at printed materials. Safe din ito kung makakain ng mga alaga nating hayop.

(Ang information na banggit ay galing sa article ni Nini D. Falcon na “Clean the air in your home with these 7 indoor plants” na na-published sa smartparenting.com.ph noong April 22, 2016)

s