Sa pagpa-plano sa hinaharap, isa sa mga gawaing maaari mong ikonsidera ay ang pagsasa-ayos ng iyong bahay upang ito ay mas maging kaaya-aya at komportableng tirahan. Ikaw man ay nakatira sa condominium, subdivision o sa isang simpleng komunidad, ang pag-improve o pag-renovate ng iyong bahay ay normal nang sasagi sa iyong isipan. At sa oras na kailangan mo na itong gawin, dapat ay pagplanuhan mo itong maigi sapagkat kaakibat nito ang paglalaan ng panahon, pera at effort.
Sa APEC Homes, binibigyang kalayaan ka bilang isang homeowner na gawin ang iyong nais o pangarap na design sa iyong unit, sang-ayon sa iyong kagustuhan. Dahil ang mga units ng APEC Homes ay bare type, mas madali mo itong maisasakatuparan!
Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang ilang pamamaraan upang mas maging maaayos at praktikal ang inyong gagawing house improvement o renovation.
1. Alamin ang House Improvement Guidelines ng APEC Homes
May ilang polisiyang ipinatutupad ang APEC Homes na kailangan mong sundin bilang isang homeowner. Ito ay karaniwang ituturo sayo bago mo tanggapin o tirahan ang iyong unit sa pamamagitan ng House Improvement Orientation o House Improvement Guidelines document. Sa kabilang banda, maaari ka rin namang magtungo sa APEC Homes subdivision office at magtanong sa Subdivision Admin para malaman pa ang mga polisiyang ito.
2. Maglaan ng Sapat na Pondo
Kagaya ng nabanggit sa taas, hindi basta-basta ang pagsasagawa ng house improvement at kailangan mo itong pag-ipunan ng sapat. Kung mas malaki ang iyong naipon, nangangahulugan na mas marami kang magagawa o kaya ay mas magandang kalidad na materyales ang maaari mong mabili. Kung limitado lamang budget, mas maigi na paunti-unti lang muna ang paggawa hanggang sa makuha mo ang iyong pangarap na disenyo o istura ng bahay. Tandaan na ang house improvement ay hindi kailangan na isang bagsakan o maging mabilisan.
3. Magkaroon ng Maayos na Plano
Importante na magkaroon ka ng inspirasyon, disenyo o plano sa gagawin mong proyekto maging ito man ay total renovation o simpleng painting works o tiles installation. Sa ganitong paraan, mas madali para sa iyo at sa iyong manggagawa na malaman kung tugma sa iyong expecatation ang kanyang ginawang renovation works. Maaari mong i-click ang link na ito upang magkaroon ka ng mas madaming options sa iyong gagawing house improvement projects na may tatak-APEC Homes.
4. Maging Matalino sa Pagba-budget
Ilan sa mga kailangan mong isaalang-alang sa pag-gastos ay ang presyo ng mga materyales na bibilhin, transportasyon, bayad sa manggagawa (karpintero, electrician plumber o mason), bayad sa pagha-hire ng private contractor, at iba pa. Kaya naman mas makabubuti kung magkakaroon ka ng listahan ng mga kinakailangang materyales sa bawat proyekto na iyong gagawin. Magiging praktikal din kung ikaw mismo ang bibili ng mga ito dahil hindi lamang sa mapipili mo ang eksaktong produkto na iyong gusto kundi mas mailalaan mo ng maayos ang iyong budget na ikaw din ang gumawa. Sa huli, tandaan na hindi dapat maisaalang-alang ang kalidad ng materyales sa presyo, lalo pa’t dapat ay pangmatagalan ang gamit nito.
5. Mag-Declutter
Bukod sa pagsasagawa ng mga bagong proyekto, mahalagang matutunan mo din bilang isang homeowner ang kahalaganan ng paglilinis at pag-oorganisa ng iyong tahanan. Mas magiging kaaya-aya (mas maganda sa mata at sa pakiramdam) ang iyong bahay kung ang mga gamit ay maayos na nakasalansan sa tamang pwesto. Mainam kung makasanayan ang regular at maayos na pagdi-dispose ng mga bagay na hindi naman kailangan. Sa ganitong paraan, mas makakamit ang mas komportableng tirahan ng walang gastos. Magaan na sa bulsa, magaan pa sa pakiramdam!