Property Finder

TAYO SA APEC HOMES

Isang simpleng kompanya na may isang simpleng pangarap.

Hangad namin sa APEC Homes na makapagtayo ng dekalidad at abot-kayang tahanan para sa bawat masisipag na Pilipino. Sa loob ng dalawang dekada, nakatuon ang aming atensyon sa pag-abot sa pangarapna ito. Mula ng itatag ang APEC Homes noong 1997 at makapagtayo kami ng mahigit 50,000 housing units, hindi kami tumitigil sa ang aming misyon bilang isang CREDIBLE at STABLE na subdivision developer sa Pilipinas – ang makapagbigay ng subok-sa-tibay na tahanan, sa abot-kayang halaga.

 

Ang makapaghatid ng abot-kayang bahay patungo sa mapayapang komunidad ang aming buong-pusong handog. Kaya naman, masigasig na nakasentro ang aming operasyon sa paggawa ng matitibay at matatatag na tahanan – tahanang pundasyon din ng matibay at matatag na pamilyang Pilipino.

 

Dahil alam namin na pangarap ng bawat-isa na tumira sa ligtas, maginhawa at komportableng tahanan, ipinagpapatuloy at sinisiguro ng APEC Homes na ang bawat hakbang namin ay naka-angkla sa pagtupad ng mga pangarap na ito.

1997

Rehistrasyon ng The New APEC Development Corporation

Opisyal tayong itinatag noong January 17, 1997 bilang The New APEC Development Corporation na mas kilala ngayon sa tawag na APEC Homes.

2004

Inagurasyon ng Pag-IBIG Fund sa Proyekto ng APEC Homes

Sa gabay at pagpapala ng Panginoon, isa ang APEC Homes sa napili ng Pag-IBIG Fund sa mga developers na nagtatayo ng socialized housing projects sa Luzon. Ang inagurasyon ay dinaluhan ni dating Vice President Noli De Castro at dating Pag-IBIG Fund CEO, Atty. Romero Federico Quimbo.

2007

Unang Proyekto ng APEC Homes sa Bulacan

Mas lalo pang pinalawig natin sa APEC Homes ang pagtulong sa pag-abot ng pangarap ng mga masisipag na Pilipino na magkaroon ng disenteng tahanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng Marilao Grand Villas 1 – ang unang proyekto natin sa lalawigan ng Bulacan.

2007

APEC Homes’ 10th Anniversary

Tahimik subalit buong-kasiyahan nating ipinagdiwang ang ika unang dekada natin sa real estate industry.

2006

Unang Subdivision ng APEC Homes sa Rizal

Sinimulang palawakin natin sa APEC Homes ang bilang ng mga natutulungang Pilipino na hangad ay magkaroon ng de-kalidad at abot-kayang tahanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng Villa San Mateo 1 – ang kauna-unahan nating proyekto sa lalawigan ng Rizal.

2015

Unang Proyekto ng APEC Homes sa Batangas

Higit pang pinalawak natin sa APEC Homes ang natutulungang mga Pilipinong hangad ang de-kalidad at murang tahanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng Brixton Homes – ang unang proyekto natin sa lalawigan ng Batangas.

2013

Top Develper of the Year Award

Sa kauna-unahang pagkakataon, natanggap natin sa APEC Homes ang Top Developer of the Year Award (Country-Wide), isang natatanging parangal at pagkilala mula sa Pag-IBIG Fund.

2017

APEC Homes’ 20th Anniversary

Walang pagsidlan ang ating kagalakan nang idinaos natin sa APEC Homes ikalawang dekada sa real estate industry.

2016

Unang Proyekto ng APEC Homes sa Tarlac

Marami ang nagalak nang buksan natin sa APEC Homes ang unang proyekto na Uptown Village sa lalawigan ng Tarlac. Sa parehong taon, binuksan din natin ang Liberty Homes sa Tarlac City, Tarlac.

1997-2000

2001-2005

2006-2010

2011-2015

2016-2019

TAYO SA APEC HOMES

Pinag-aaralang mabuti ang
lokasyon ng aming mga komunidad.

Sinisiguro natin na ang ating mga itinatayong subdivisions ay malapit sa mga pangunahing establisyemento kagaya ng mga paaralan, ospital, bangko, palengke, opisina ng gobyerno at mga sentro ng komersyo.



TAYO SA APEC HOMES

Matapat at mapagkakatiwalaan sa
ating mga katuwang sa hanap-buhay.

Mula sa ating mga empleyado, contractors at buyers, hanggang sa araw-araw nating mga ka-transaksyon sa gobyerno. Higit sa lahat, ang masigurong maitayo ang biniling bahay ng ating kliyente ay ating lubos na prayoridad.

TAYO SA APEC HOMES

Patuloy na pinagsisikapan at pinahahalagan na makapaghandog ng tahanang makapagdudulot ng saya at positibong pagbabago sa bawat pamilya, pamayanan at lipunan.

s