Property Finder

Ang Misyon Kong Tumulong Foundation o mas kilala bilang MKT ay nagsimula bilang Corporate Social Responsibility (CSR) arm ng APEC Homes noong 2015. Layunin nito na ipalaganap sa lahat ang kahalagahan ng kusang-loob na pakikiisa at pagtulong upang maitaguyod ang kapakanan ng mga nangangailangan. Ang MKT ay naniniwala sa kabutihang taglay ng bawat-isa: anuman ang estado ng kanyang buhay, kasarian, edad, relihiyon, lahi o kulay. Hangad ng MKT na makabuo ng mga programang makapaghihikayat sa nakararami na tumulong nang walang hinihintay na kapalit – sa lahat ng panahon at pagkakataon.

KAGUSTUHANG MAKAPAGBIGAY NG TULONG SA ABOT NG MAKAKAYA

Ito ay kaugaliang sumasalamin sa halos lahat ng tao. Dito nanggagaling ang pangkalahatang inspirasyon ng MKT upang bumuo ng mga aktibidad na makakatulong upang patuloy na maisabuhay ito. Sa katagalan ay makapagdulot ng ripple effect upang ang mga ibinigay na tulong ay maging sustainable, gayundin ang mga beneficiary ay magkaroon ng kakayahan upang maibalik ang natanggap na assistance sa pamamagitan ng pagdamay naman sa iba.

Sa kalaunan ay pangarap ng MKT ang isang bayang may kultura ng pagmamalasakit at bukas sa ano mang pangangailangan ng kapwa; Isang lipunan kung saan ang bawat indibidwal ay inspirado, handang tumulong, at susi sa pagpapasimula ng positibong pagbabago.

Upang magawa ito ay bubuo ang MKT ng malawak na network of partners, at sa pamamagitan ng kooperasyon ay makaipon ng sapat na mga resources – financial, in-kind, at volunteers. Ang mga resources na ito, with due diligence, ay gagamitiin upang maisakatuparan ang mga sumusunod:

Objectives

  • Maging source ng inspirasyon

    at mga positibong balita, gamit ang napapanahong media platforms, upang maka-impluwensya sa mga mabubuting tao na gumawa ng mas marami pang kabutihan at tularan ng iba.

  • MAGING ISANG BRIDGE ORGANIZATION

    para sa mga donors na naghahanap ng mga beneficiaries, maging ng mga beneficiaries na naghahanap ng donors. Gayundin ay makalikha ng mga volunteering opportunities kung saan maaaring makilahok ang sinuman.

  • MAG-PROMOTE NG KARUNUNGAN

    sa lahat ng pagkakataon maging sa pormal o impormal na edukasyon, trainings, workshops, at iba pa.

Connect with mkt

  • misyonkongtumulong@gmail.com
  • 0918-9-MISYON (647966)
  • 10th Floor The Orient Square Bldg., F. Ortigas Jr Rd., Ortigas Center, Pasig City
s