Masarap sa pakiramdam na ma-turnover ang unit na ating hinintay at hinulugan ng ilang buwan. Kasabay ng pakiramdam na ito ay ang excitement na umpisahan ang isang buhay sa bago nating bahay. Pero bago tayo tuluyang makalipat, nais nating gawing komportable at kaaya-aya ang bahay na titirahan natin sa matagal na panahon. Dito na papasok ang pag-iisip ng magiging design at look ng bahay na angkop sa panlasa at personalidad natin. Narito ang ilang “interior design pegs” na maaaring magsilbing inspirasyon sa pag i-improve ng ating bahay.
1. Minimalist
Bagay ang design na ito sa mga taong simple at direct kung mag isip. Maaliwalas ang paligid ng bahay dahil iniiwasan ang pag o-over decorate o paglalagay ng madaming bagay sa palibot ng bahay. Mas organisado din ang mga home furniture at may emphasis din sa pagiging “space-saver” ng ilang lugar sa bahay.
2. Modern
Hindi ito masyado na lalayo sa konsepto ng Minimalist design. Simple din ang approach ngunit may emphasis sa paggamit ng industrial materials tulad ng glass, wood at metal. Pagdating sa kulay, mga neutral colors ang mas ginagamit sa ganitong house design tulad ng beige, white, cream, brown, gray at maging black.
3. Classic
Sa design naman na ito, mas binibigyang emphasis ang pakiramdam ng “nobility” at pagiging “refined” na pwedeng ding sabihin may pagka-old fashioned. Ang mga furniture na ginagamit sa ganitong design ay may sophisticated na design at may pagka-grandiyoso din ang dating. Bagay ito sa mga bahay na may malaking space at matataas na ceiling.
4. Natural
At para naman sa mga nature lovers o yung mahilig sa “green sceneries”, ang home design na ito ang nababagay gawin sa bahay. Partikular sa design na ito ang pagpapasok ng “nature” elements sa bahay tulad ng mga halaman at wood crafts. Gumagamit din ng mga natural lighting o sinag ng araw sa loob ng bahay.
5. Thematic or Personal
Mas personal ang approach sa pag-design kung ito ang nais gawin sa bahay. Kung ano ang hilig ng titira sa bahay, doon iikot ang magiging disenyo, tema at maging mga kagamitan ng bahay. Sa panahon na ito, madaming mga tao ang gumagawa ng ganitong design dahil mas relatable sa nakatira sa bahay ang nakikita nito at na-e-experience sa bahay.
Ang bahay natin ay nag sisilbing “comfort place” natin. Dito tayo nakakapag-recharge physically, mentally at emotionally. Kaya mahalaga na gawin nating kaaya-aya at masaya ang ating bahay para sa atin ang mga mahal natin sa buhay.